remembering Gay


Bilis talaga ng panahon, akalain mong isang taon na nung nag plano kami ng surprise party para kay Gay. Dalawang buwan pa lang kaming house mates nun pero close na kami kumbaga... dahil nagkakasundo kami sa mga kung anu-anong bagay, from kakikayan gang sa kung anu-anong drama sa buhay.

So ayun nga, naisipan namin ng mga ka-bibo na bigyan sya ng surprise party... maganda ang intention, ngunit mejo sumablay dahil ang pagpaplano namin sa egroups ay nababasa nya pala! hahaha! nalimutan ni Mr.Moderator na 2 email add pala ni girl ang naka-add sa group.. so how? buking already! so since expected nya na yung party, ang ginawa namin nagpa advance party pa kami.. para totoong ma surpresa na sya! nagluluto ako sa kitchen ng me karamihang putahe, naalala ko sbi nya pa 'Girl, ang dami naman nyan, me bisita ka?' sabi ko 'wala, paluto lang to ni tereh me party sa kanila' feeling ko hindi sya convinced pero hinayaan ko na lang. Tapos tumambay sya sa sala para manood ng TV, sabi ni Ge, 'Girl, late na matulog kana..' hahahaha! nagtaka daw sya pro sumunod na lang din at pumasok na sa room. Eh pano naman nasa baba na yung mga bisita. pagpasok nya ng room kinontak namin at nag-ayos agad.. tapos eto na ang mga sumunod na pangyayari.. :)



Successful naman kami sa panunurpresa sa kanya... hihihi! at syempre lafang galore after nyan. :)

Then the next day ay me round 2 ang party.. yung nabuking na surprise. Just the same nag enjoy naman ang mga tao. :)

Everything then was all about fun and surprises, we never expected that it would be her last birthday celebration... :(

It's really sad that she passed away last January, leaving loved ones in sadness for the loss of a truly wonderful person. But life's like that, it takes sudden twists, sudden turns... but what's important is that we believe that Gay really lived a full life!


This is Mi remembering you
Us missing you...
Happy birthday Gay!
We love you.

Comments

Popular Posts